MRT maagang nakaranas ng aberya; shortened operation, ipinatupad

Feb 13(UPDATE) Maagang naperwisyo ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong Lunes ng umaga.

Ito ay makaraang makaranas ng aberya ang biyahe ng MRT at nagpatupad ng shortened operation.

Sa abiso ng MRT, simula alas 6:21 ng umaga, North Avenue Station hanggang Shaw Station at pabalik lamang ang biyahe ng MRT.

Habang inihinto muna ang biyahe mula Shaw Boulevard Station hanggang sa Taft Station at pabalik.

Ayon sa abiso ng MRT, mayroong naranasang technical problem sa pagitan ng Boni Avenue at Shaw Boulevard.

May nakita umanong sirang riles o broken rail sa pagitan ng dalawang nabanggit na istasyon na na-detect ng signalling system ng MRT.

Agad namang tinugunan ng mga tauhan ng MRT ang problema at alas 7:05 ng umaga ay naibalik na sa normal ang biyahe.

 

 

Read more...