Laban nina Manny Pacquiao at Jeff Horn, sa UAE talaga gaganapin

 

Sa United Arab Emirates kakalabanin ni Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao ang Australian boxer na si Jeff Horn.

Ito ay ayon mismo sa chief adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz.

Ayon kay Koncz, may naisara na siyang kasunduan upang matiyak na sa UAE magaganap ang laban nina Pacquiao at Horn, sa halip na sa Australia tulad ngunang sinabi ni Top Rank CEO Bob Arum.

Aniya pa, natagalan sila bago mabuo ang kasunduang ito, at nagkaroon pa ng kalituhan kung sa UAE nga ba talaga ito gaganapin.

Pagtitiyak pa ni Koncz, 100% na sa UAE na magaganap ang nasabing laban.

Kamakailan lang ay sinabi ni Arum na sa Australia gaganapin ang laban matapos silang magkaroon ng kasunduan sa promoter ni Horn na Duco Events.

Gayunman, pinabulaanan ito ni Koncz, at sinabing bagaman alam niyang naroon si Arum sa Australia para makipag-usap, sinabi niya na huwag magsasara ng anumang kasunduan.

Giit pa niya, back-up plan lamang ang sinasabi ni Arum.

Read more...