Award-winning jazz singer na si Al Jarreau, pumanaw na

 

Mula sa Twitter/@AlJarreau

Pumanaw na sa edad na 76-anyos ang seven-time Grammy award winner na si Al Jarreau.

Ayon sa kanyang booking agent, pumanaw si Jarreau dalawang araw matapos nitong iaununsyo ang kanyang pagreretiro sa larangan ng entertainment dahil sa exhaustion o labis na kapaguran.

Gayunman, hindi naman binanggit kung ano ang mismong dahilan ng pagpanaw ng sikat na mang-aawit bagamat nakaranas ito ng respiratory at cardiac problems nitong mga nakalipas na taon.

Bago ito pumanaw, na-confine sa pagamutan sa Los Angeles ang mang-aawit.

Ilan sa mga kilalang awitin ni Jarreau ang “ After All,” “We’re in This Love Together,” noong 1981 at ang sountrack ng TV series noong dekada ’80 na “Moonlighting”.

Read more...