Hanggang noong Sabado, hindi pa rin natigil ang bakbakan sa mga lalawigan ng Sarangani, Compostela Valley at Davao Oriental, ayon na mismo sa Philippine Army.
Ayon kay Army 10th Infantry Division spokesperson Capt. Rhyan Batchar, isang sundalo ang nasugatan sa bakbakan sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Little Datal Anggas sa bayan ng Alabel sa Sarangani, na tumagal ng hindi bababa sa dalawang oras.
Naganap rin aniya ang tatlo pang magkakahiwalay na engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde sa Brgy. Bollucan sa Laak, Compostela Valley.
Aniya, ang unang bakbakan ay tumagal ng halos isang oras, na nasundan pa matapos habulin ng mga sundalo ang mga rebelde, habang ang ikatlo naman ay nangyari nang maabutan nila ang mga ito.