Sa pagharap nito sa mga nabiktima ng lindol sa Surigao City, nabanggit ng pangulo na maging siya ay nadismaya nang makita ang mga kabundukan na halos nakalbo at naubos na sanhi ng walang habas na pagmimina.
Nakita aniya niya ito habang nasa himpapawid at patungo sa Surigao kahapon.
Kung desisyon aniya ni Sec. Lopez na ipasara ang mga minahan, ay wala siyang magagawa dito, pahayag ng pangulo sa Bisaya.
Gayunman, idinagdag ng pangulo na mananatiling bukas ang kanyang isipan ukol sa 14 na large-scale nickel mine na ipinasara ng Kalihim.
Siya aniya ang magdedesisyon kung kailangang tuluyang ipasara ang naturang mga minahan kung hindi nito maibabalik sa dati ang kalagayan ng mga kabundukang naapektuhan ng pagmimina.
Aminado rin ang pangulo na libu-libong mga residente at mga kawani ng mga minahan ang maaapektuhan ng pagsasara ng mga minahan s Caraga region.