Nagpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte ng posiblidad na muling maipagpatuloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga residenteng naapektuhan ng malakas na lindol sa Surigao City, sinabi ng pangulo na umaasa siyang darating ang panahon na mareresolba ang usapin kapayapaan.
Wala siya aniyang problema sa ideyolohiya ng mga komunista at kapitalista.
Basta ang mahalaga aniya ay inuuna dapat sa mga ideyolohiyang ito ang kapakanan ng bawat Pilipino.
Umaasa rin si Pangulong Duterte na tuluyan nang magkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao upang maisulong na ang pag-asenso ng rehiyon.
Matatandaang Noong February 4, pinaatras ni Pangulong Duterte ang kampo ng gobyerno sa peace talks matapos bawiin ng NPA ang ceasefire declaration nito.