Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, na makipag-ugnayan lang sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nongovernment organizations at private individuals na nais magpaabot ng ayuda sa mga naapektuhan ng malakas na lindol.
Pinaka problema aniya ngayon sa Surigao ay ang kawalan ng suplay ng malinis na tubig na maaaring inumin ng mga residente.
Kung kaya’t nananawagan ang Palasyo sa mga NGO na tumulong sa pamamagitan ng pagpapadala ng malinig na tubig.
Dagdag ni Andanar, kasalukuyang nagbabagsak ng mga relief goods ang C130 military cargo planes sa Butuan airport.
Binanggit din ng opisyal na hanggang ngayon ay sarado pa rin ang Surigao airport dahil sa pinsalang idinulot ng lindol sa runway nito.
Kaninang tanghali, personal na binisita at kinamusta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naging biktima ng malakas na lindol sa Surigao City.