Suplay ng kuryente sa Surigao City, naibalik na

NGCP WorkerNaibalik na ang suplay ng kuryente sa Surigao City matapos tumama ang 6.7 magnitude na lindol noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay OCD Caraga information officer April Rose Sanchez, naibalik na ang kuryente sa lungsod bandang 8:30 kagabi, araw ng Sabado.

Sa kabila nito, sinabi din ni Sanchez na mayroon pang mga kalapit na munisipalidad sa Surigao City ang wala pang kuryente hanggang ngayon.

Samantala, lahat ng mga kalsada na patungo sa Surigao City ay maaari nang madaanan ng lahat ng klase ng sasakyan.

Nilinaw din ni Sanchez na wala pang nangyayari na evacuation sa Surigao City at iba pang lugar sa probinsya ng Surigao del Norte.

Marami lamang aniya na residente ang lumipat sa mas mataas na lugar dahil sa takot na magkaroon ng tsunami.

Dahil din aniya sa patuloy na aftershocks na nararamdaman sa lalawigan, may mga pamilya na hindi muna nanatili sa kanilang mga bahay at lumipat muna sa bahay ng kanilang mga kamag-anak na hindi naapektuhan ng lindol.

Read more...