WATCH: Isang bus, sinalpok ang mag-iinang pedestrian

Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan nasalpok ng isang bus ang ilang mga pedestrian.

Sa kuha ng CCTV, naganap ang aksidente noong Huwebes ng umaga.

Makikitang sabay-sabay na tumatawid ang ilang tao na inaalalayan pa ng barangay tanod.

Pero ilang hakbang na lamang bago makarating sa sidewalk, makikita ang isang unit ng Bataan bus na umarangkada sa kaliwang linya ng highway.

At dito na nasagasaan ang tatlong biktima na kinilalang sina Alma Lalic at dalawa nitong anak na sina Ann Lorraine Lalic; 6 na taong gulang’ at ang 3 taong gulang na si Lorenz Albert Lalic.

Sa kasalukuyan, nakakulong sa Lubao Municipal Police Station ang driver ng bus na si Manuel Yambot.

Ayon sa kanya, iniwasan umano niya ang mga sasakyang nasa harapan niya na bigla umanong huminto.

Read more...