Celebrity designer na si Pepsi Herrera, pumanaw na

pepsi herrera twitterLabis ang pagluluksa ngayon ng fashion industry sa bansa dahil sa pagpanaw ng celebrity fashion designer na si Pepsi Herrera.

Pumanaw si Herrera dahil sa cardiac arrest sa edad na 56, Biyernes ng umaga.

Agad namang na-cremate ang kaniyang mga labi, Biyernes ng hapon, at nagsimula naman ang public viewing sa kaniyang urn sa alas-7:00 ng gabi ng Biyernes.

Magpapatuloy ang public viewing sa buong araw ng Sabado, February 11, at ililibing naman ang kaniyang mga abo sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Kilala si Pepsi Herrera sa pagdi-disenyo niya ng mga magagarbong damit para sa mga artista tulad nina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Kris Aquino at maraming iba pa.

Madalas rin siyang nagdi-disenyo para sa mga dumadalo sa sikat na Star Magic Ball.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa social media mula sa mga celebrities na minsan o madalas na nagsusuot ng kaniyang mga obra.

Read more...