21 miyembro ng Expanded Bangsamoro Transition Commission pinangalanan na

duterte davao nbiIsinapubliko na ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) ang pangalan ng dalawampu’t isang katao na bubuo ng Expanded Bangsamoro Transition Commission.

Ayon kay Peace Adviser Jesus Dureza, ito at matapos lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment papers ng mga miyembro ng Expanded BTC.

Sa naturang bilang, labing isa ang mula sa Moro Islamic Liberation Front at sampu naman sa hanay ng pamahalaan.

Kabilang sa mga kasama sa bubuo ng Expanded BTC ay ang mga sumusunod:

Atty. Jose I. Lorena

Atty. Maisara Dandamun-Latiph

Samira Gutoc-Tomawis

Datu Mussolini Sinsuat Lidasan

Dr. Susana Salvador-Anayatin

Atty. Hussin Amin

Romeo Saliga

Hatimil Hassan

Atty. Firdausi Ismail Y. Abbas

Atty. Omar Yasser C. Sema

Ghadzali Jaafar

Mohagher M. Iqbal

Abdulraof Abdul Macacua

Ibrahim D. Ali

Haron M. Abas

Atty. Raissa H. Jajurie

Said M. Shiek

Hussein P. Muñoz

Melanio U. Ulama

Gafur A. Kanain

Ammal D. Solaiman.

Ayon kay Government Peace Panel Chairman Irene Santiago, napili ang 21 batay sa kanilang malawak na kaalaman tungkol sa Mindanao.

Magugunitang noong November 8, 2016, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang executive order number 8 para gawing 21 mula sa dating 15 ang myiembro ng BTC.

 

 

 

Read more...