11 ang sugatan sa tangkang paghahagis ng “Molotov cocktail” sa MTR train sa Hong Kong

11 injured in blaze as man attempts to ‘throw Molotov cocktail’ on Hong Kong MTR train SOUTH CHINA MORNING POST
PHOTO FROM SOUTH CHINA MORNING POST

Nasugatan ang hindi bababa sa 11 katao matapos may maganap na sunog sa loob ng isang MTR train sa Hong Kong.

Ito ay matapos na isang lalaki ang umano ay magtangkang maghagis ng molotov bomb sa tren.

Sa ulat ng South China Morning Post, naganap ang insidente alas 7:14 ng gabi kanina (Biyernes, February 10) habang ang tren ay nasa bahagi ng Tsim Sha Tsui Station at halos puno ng pasahero.

Tinangka umano ng suspek na sindihan ang Molotov cocktail sa loob ng tren bago ito sumapit sa platform ng istasyon.

Dinala na sa pagamutan ang mag nasugatang pasahero.

Read more...