Mga raliyista, sumugod sa US Embassy, kinondena ang ‘anti-immigrant policy’ ni US President Donald Trump

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mahigit 20 rallyista sa tapat ng U.S. Embassy sa Roxas Blvd., Maynila.

Kinondena ng mga raliyista mula sa grupong Migrante International ang mga bagong polisiya na planong ipatupad ni US Pres. Donald Trump kontra illegal immigrants.

Kaugnay ito ng pag-crackdown ng US government sa mga illegal immigrants sa Amerika at pag-‘ban’ sa pagpasok o pagtawid sa US border.

Ipinrotesta ng grupo ang tinatawag na immigration policy ni Trump na i-crackdown ang mga illegal immigrants sa Amerika, maging ang pagpasok o pagtawid sa border ng U.S.

Sinunog pa ng nga raliyista sa tapat mismo ng embahada ang watawat ng US habang isinisigaw na racist, pasista, at imperialista ang bagong US President.

Naging alerto naman ang mga miyembro ng Manila Police District-Civil Disturbance Management Unit at hindi hinayaang makalapit ang mga demonstrador.

Matapos ang programa, mapayapa namang nag-disperse ang mga raliyista.

 

 

Read more...