Ito ay matapos lagdaan ng pangulo ang Executive Order No. 13 o ang “Strengthening the Fight Against Illegal Gambling and Clarifying the Jurisdiction and Authority of Concerned Agencies in the Regulation and Licensing of Gambling and Online Gaming Facilities, and Other Purposes.”
Sa ilallim ng nasabing kautusan, ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agencies ay inaatasan na makipag-ugnayan sa Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG), at sa Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra illegal gambling.
Inatasan din ang law enforcement agencies na aksyunan ang mga request ng gambling regulatory authorities gaya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na imbestigahan at tapusin ang illegal gambling activities sa bansa.
Habang ang PAGCOR, Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO) at iba pang regulatory entities ay pinagsusumite sa Office of the President ng consolidated report sa loob ng anim na buwan mula sa petsa ng pagpapalabas ng EO hinggil sa kani-kanilang kampanya kontra sa illegal na sugal.
Nakasaad pa sa EO na hindi maaring ilipat ang online gambling license sa ibang gambling operator.
Nilagdaan ang nasabing EO matapos na patigilin ni Pangulong Duterte ang NBI at PNP sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operations.