DPWH magsasagawa ng road reblocking sa ilang lansangan sa QC

Road Repairs Magsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang pangunahing lansangan sa Quezon City mula mamayang gabi (Biyernes, February 10).

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) pinaiiwas ang mga motorista sa mga sumusunod na lansangan:

– Mindanao Avenue mula Mindanao Avenue Bridge hanggang Tandang Sora Avenue Southbound

– Commonwealth Avenue mula Don Jose Street hanggang San Simon Street Southbound

– Quirino Highway mula Mindanao Avenue hanggang Bernardino Street Southbound

– Congressional Avenue Extension mula Shell Mirana Gate Westbound

Sisimulan ang road reblocking alas 10:00 ng gabi mamaya at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga ng February 13 araw ng Lunes.

 

 

Read more...