Pwedeng ituloy ang mga kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) kahit pa mayroong armed conflict sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at mga tropa ng pamahalaan.
Ayon kay Communist Party of the Philippines (CPP) sa tatlong rounds ng peace talks marami nang nabuong kasunduan gaya na lamang ng draft ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) at Comprehensive Agreement on Political and Constitutional Reforms (CAPCR).
Sinabi ng CPP founder na pwedeng ituloy ang peace negotiations at paglagda sa CASER, CAPCR, ceasefire agreement at pagpapalaya sa mga political prisoner ngayong taong 2017.
Ani Sison, katunayan noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, mayroong nalagdaang sampung major agreements sa pagitan ng government peace panel at NDFP kahit pa patuloy ang bakbakan sa pagitan ng militar at NPA.
“Even if the armed conflict between the armed forces of the two Parties has resumed, peace negotiations can and must continue precisely to continue with the forging of the CASER, CAPCR and the bilateral ceasefire agreement and effecting the amnesty and release of all political prisoners within 2017. More than 10 major agreements were made during the Ramos regime while fighting went on,” ayon kay Sison.
Dagdag pa ni Sison, ang CPP, NPA at NDFP ay nananatiling committed sa peace process base sa Joint Declaration na naganap sa The Hague.
Umaasa si Sison na malalampasan ng magkabilang panig ang mga “peace spoilers” at matuloy ang ikaapat na round ng peace talks sa April 2 hanggang 6 sa Oslo Norway.