Joma Sison sa pag-terminate ni Duterte sa peace talks: “He should not have gone this far”

Kuha ni Arlyn Dela Cruz
Kuha ni Arlyn Dela Cruz

Nanawagan si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na ituloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon kay Sison, ang isinagawang ikatlong rounds ng peace talks mula January 19 hanggang 25 ay naging matagumpay.

Ayon kay Sison, ang magagandang development sa ikatlong round ng formal talks ay tila natabunan matapos tumugon ang gobyerno sa suspensyon ng unilateral ceasefire na idineklara ng CPP-NPA.

Ani Sison, nauunawaan niya ang naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil tungkulin nitong protektahan ang interest ng bansa at umaksyon para sa ikabubuti ng pwersa ng pamahalaan.

Pero sinabi ni Sison na hindi dapat umabot sa punto ng pag-terminate ng gobyerno sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) na naka-apekto sa kabuuan ng peace negotiations.

“There should have been a measure of restraint in his reaction in order to preserve the GRP-NDF peace process. I believe that President Duterte’s reaction should not have gone this far,” ayon kay Sison.

Mungkahi ni Sison, mabuting konsultahin ni Pangulong Duterte ang kaniyang negotiating panel at mga peace advocate na cabinet members.

Aniya, maari namang magkaroon ng back-channeling efforts para matugunan ang mga ‘di pagkakaunawaan at maresobla agada ng problema.

Maging ang 3rd party facilitator ayon kay Sison ay maari aniyang makatulong para matuloy ang peace process.

 

 

Read more...