Mag-ama, 3 iba pa, patay sa magkakasunod na pamamaril sa Marikina City

Crime scene2Magkakasunod na pinatay ang apat na katao, habang isa ang nasugatan sa magkakalapit lang na lugar ng mga naka-motorsiklong suspek sa Kabayan Road, Brgy. Malanday, Marikina City.

Ayon kay Senior Supt. Lorenzo Holanday Jr., hepe ng Marikina police, wala nang buhay nang iwan ng mga salarin ang apat na biktima na pawang mga residente ng Brgy. Malanday na sina Gerald Taduan na binaril sa Purok 3, Noel Dumate na pinatay naman sa Purok 5, Regidor Dumasig Jr at Regidor Sr. na pinaslang sa Purok 6, at Ernesto Ambos na wala ding awang pinagbabaril sa Purok 7.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng PNP, ang mga biktima ay pinatay sa pagitan lang ng 7:15 hanggang 7: 30 ng gabi ng mga hindi nakilalang lalaki sakay ng motorsiklo.

Tatlo sa limang biktima ay pinasok sa loob ng kanilang bahay habang ang isa ay naabutan sa kalsada at doon pinatay habang nakatambay.

Ang lima ay kabilang sa drug watchlist, kaya naman isa ito sa tinitingnang anggulo ng mga pulis kung may kinalaman sa droga ang pamamaslang.

Read more...