Wally Sombero binigyan ng isa pang pagkakataon na lumitaw sa Senado

wally somberoHindi naaprubahan ang mosyon ni Sen. Leila De Lima na ma-contempt si retired police Chief Supt. Wally Sombero Jr., matapos muling mabigong magpakita sa pagdinig sa Senado kaugnay ng bribery scandal sa Bureau of Immigration.

Ayon kay Sen. Leila De Lima, ipinagpaliban lang ni Blue Ribbon Committee Chair Sen. Dick Gordon ang pag-aksyon sa kanyang mosyon.

Aniya pinagbigyan muli ni Gordon si Sombero na ayon sa kanyang abogado ay hindi pinayagan ng Canadian airport authorities na makalipad pabalik ng bansa dahil sa hindi magandang lagay ng kaniyang kalusugan.

Dagdag pa nito, may mga opsyon na ang komite sakaling hindi muli makadalo sa pagdinig si Sombero. Isa na rito na i-cite for contempt si Sombero at arestuhin sa airport pa lang, o kaya ay kanselahin na ang passport nito.

Read more...