Tiger Woods, aminadong hirap nang maglaro

tiger-woodsMatapos ang ilang beses na pagdanas ng mga injuries sa tuhod at likod nitong mga nagdaang taon, aminado ang dating number one golfer na si Tiger Woods na hirap na talaga siya sa paglalaro.

Kinailangan kasing i-pull out ang 14-times major champion noong nakaraang linggo sa Dubai Desert Classic pagkatapos pa lang ng unang round, dahil sa back spasm.

Ayon kay Woods, maraming beses na niyang naisip na hindi na niya kakayaning bumalik sa laro dahil napakahirap na nito para sa kaniya.

Nakakuha ang 41 taong gulang na golfer ng 79 na panalo sa PGA Tour sa kaniyang buong career, ngunit hindi pa siya muling nakakakuha ng major championship mula 2008.

Ayon pa kay Woods, maayos ang kaniyang pakiramdam ngunit sa tingin niya ay hindi na siya muling gagaling sa laban dahil sa pagsailalim niya sa tatlong operasyon sa likod at apat naman sa tuhod.

Read more...