Mga dating Immigration officials idiniin ng kanilang dating amo sa Senado

Argosino
Inquirer file photo

Lalo pang idiniin ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente ang kanyang mga dating deputy na sina Atty. Michael Robles at Al Argosino kaugnay sa bribery scandal.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Morente na wala sanang problema sina Argosino at Robles kung kaagad nilang sinabi sa kanya ang panunuhol ng gambling tycoon na si Jack Lam sa pamamagitan ng dating pulis na si Wally Sombero.

Sinabi ni Morente na malinaw na isang kaso ng kurapsyon ang nangyari makaraang kunin nina Argosino at Robles ang P50 Million mula kay Sombero.

Sa kanilang panig, sinabi ni Argosino na hindi nila sinabi kay Morente ang kanilang ginagawang imbestigasyon dahil sabit umano dito ang Immigration Intelligence Chief na si Charles Calima.

Sina Calima at Morente ay mag-mistah o magka-klase sa Philippine Military Academy (PMA).

Nauna nang umamin si Calima na tumanggap ng P18 Million mula sa P50 Million na hawak nina Argosino bilang bahagi ng kanilang ginagawang counter-intelligence work.

Hindi naman sumipot sa pagdinig si Sombero na sinasabing nasa Canada ngayon at may sakit.

Read more...