Sec. Lopez: Pagpapasara sa mga pasaway na minahan tuloy na

gina-lopez1
Inquirer file photo

Himala ang kinakailangan para mabago pa ang desisyon ni Environment Secretary Gina Lopez sa pagpapasara sa dalawamput tatlong mining companies.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Lopez na matibay ang kanyang panininidgan sa pagpapasara sa mga mining companies lalo na sa labing-limang mga minahan na mismong nasa watershed areas.

Paliwanag pa ni Lopez, dumaan sa tamang proseso ang pagpapasara sa mga mining companies dahil lumabag ang mga ito sa mining laws at sinira ang kalikasan.

Paliwanag pa ni Lopez, dumaan sa mining audit at binigyan ng show cause order ang mga kumpanya bago ito tuluyang ipinasara.

Gayunman, sinabi ni Lopez na nasa Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang huling pagpapasya kung babaliktarin ang kanyang desisyon.

Read more...