Naganap ang sagupaan pasado ala una ng hapon kahapon sa Barangay Mati sa bayan ng Tigbao.
Ayon kay Lt. Col. Virgilio Hamos, Jr., commanding officer ng 53rd Infantry Battalion ng Philippine Army, nagtungo sa lugar ang kanilang mga tauhan matapos makatanggap ng ulat na may ilang miyembro ng NPA na nangingikil ng pera sa mga residente.
Nang dumating sa lugar ang mga sundalo agad silang pinaputukan ng mga rebelde.
Tumagal ng pitong minuto ang barilan hanggang sa umatras na ang mga hinihinalang NPA members at saka tumakas.
Ayon kaky Hamos, ligtas naman at walang nasaktan sa panig ng mga sundalo.
Nakuha sa lugar ang apat na cellphones, mga bala,.45-caliber nab aril at iba pa.