Umarangkada na ang 21st Philippine International Hot Air Balloon Fiesta, sa Clark, Pampanga.
Ngayong araw, February 9, ang simula ng event na tatagal hanggang February 12, 2017.
Sa apat na araw na festival, tampok ang iba’t ibang hot air balloons.
Alas 4:00 pa lamang ng umaga ay nagbukas na ang gates, at dagsa na agad ang mga tao.
WATCH: Inihahanda na ang hot air balloons na lalahok sa 21st PH Hot Air Balloon fiesta sa Clark, Pampanga. @dzIQ990 pic.twitter.com/8Fbete8Bp6
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) February 8, 2017
WATCH: Sky diver hawak ang bandila ng Pilipinas, sa 21st PH Hot Air Balloon fiesta. @dzIQ990 pic.twitter.com/emK9rtrnZu
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) February 8, 2017
May mga pamilya, ang iba’y mga estudyante na nakasakay pa sa mga bus.
Ang tickets ay P350 bawat isa, habang sa mga nais sumakay sa hot air balloon at makalibot, tumataginting na 350 US dollars o nasa P17,000 ang bayad.
Kabilang naman sa iba pang aktibidad sa hot air balloon fiesta ay katatampukan ng paragliders, skydivers, radio controlled aircraft, dancing kites, at iba pang aerial exhibitions.
May tickets din na mabibili para ma-experience ang skydiving, paragliding, at aircraft flights.
Bukod naman sa mga aktibidad ngayong umaga, mayroon din mamayang hapon.
Patok ang hot air balloons na Yoda, clown o payaso, at bandila ng Pilipinas.
WATCH: Yoda hot air balloon, isa sa mga tampok sa 21st PH International Hot Air Balloon Fiesta sa Clark, Pampanga. @dzIQ990 pic.twitter.com/hWX2xHEa2U
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) February 8, 2017
WATCH: Mga kaganapan sa 21st Philippine International Hot Air Balloon Fiesta sa Pampanga | @isaavendanoDZIQ pic.twitter.com/grTKgEAsG6
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 9, 2017
WATCH: Mga kaganapan sa 21st Philippine International Hot Air Balloon Fiesta sa Pampanga | @isaavendanoDZIQ pic.twitter.com/ZM8tw8l2OJ
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 9, 2017
Dumalo sa festival si Department of Tourism (DOT) Usec. Kat de Castro na sinabing gusto sanang pumunta ni Pangulong Rodrigo Duterte, pero may nauna na raw commitment.
Paalala ng organizers sa publiko, bawal magcamping dito sa loob ng ground.
Ibig sabihin, makalipas ang alas 10:00 ng gabi ay bawal na sa lugar at palalabasin na ang mga tao.