Mga pasahero sa Metro station sa Paris, inilakas dahil sa sunog

Paris Metro station | Photo from parisbytrain.com
Paris Metro station | Photo from parisbytrain.com

Nabalot ng tensyon ang biyahe ng metro station sa Paris, France matapos magkaroon ng pagsabog na nasundan ng sunog.

Sa insiyal na ulat ng local media sa Paris, walo sa mga pasahero ang nasugatan dahil sa insidente.

May ilan ding pasahero ang nakaranas ng hirao sa paghinga bunsod ng makapal na usok.

Bagaman wala pang inilalabas na opisyal na dahilan ng pagsabog at pagsiklab ng apoy, posible umanong electrical failure ang sanhi nito.

Mabilis namang nakaresponde ang mga bumbero at agad naapula ang apoy sa isang tren.

 

 

Read more...