Pagkakaaresto sa mag-asawang Tiamzon, itinanggi ng NDFP

 

Pinabulaanan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang isang lumabas na ulat na naaresto ang kilalang consultants ng komunistang grupo na sina Benito at Wilma Tiamzon sa Norway.

Ayon kay NDFP chief negotiator Fidel Agcaoili, peke ang nasabing balita at nakabalik na sa Pilipinas ang mag-asawang Tiamzon tulad ng iba pang mga peace consultants.

Lumabas kasi sa website na www.metro-uk.com na naaresto umano ng International Police (Interpol) ang mga Tiamzon sa Norway kung saan sila nagtatago.

Ayon pa sa isa pang consultant na si Randy Malayao, dumalo pa nga ang mag-asawa sa isang forum sa University of the Philippines-Diliman noong Sabado, bago inanunsyo ng pamahalaan ang muling pagpapa-aresto sa kanila.

Matatandaang tinutugis na ngayon ng mga otoridad sina Tiamzon at iba pang mga peace consultants matapos suspindehin ng pangulo ang negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng NDFP.

Kinansela na rin ng pamahalaan ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) na nagbibigay proteksyon sa mga pinalayang consultants.

 

Read more...