NDF consultants, hahanapin ng pamahalaan kahit magtago na parang daga ayon sa AFP

peace-talks-norwayKahit magtago na parang mga daga ang mga NDF consultants na ipinaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte, hahabulin umano sila ng pamahalaan.

Ayon kay AFP Chief Gen Eduardo Año, matapos kanselahin ng pangulo ang usapang pangkapayapaan at ipag-utos ang pag-aresto sa lahat ng komunistang binigyan ng pansamantalang kalayaan para lumahok sa naudlot na negosasyon. 

Ayon kay Año, desisyon na ng mga NDF consultants kung pipiliin nilang magtago, pero hindi aniya titigil ang gobyerno sa pagtugis sa kanila hanggat hindi maibabalik muli sa kulungan ang mga ito. 

Itoy sa kabila ng posisyon ng NDF na hindi sila basta na lamang pweding arestuhin dahil sa protektado sila ng JASIG o Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees. 

Paliwanag ni Año, iginagalang niya ang depensa ng NDF, pero malinaw rin aniya ang utos ng pangulo at malinaw rin na hindi protektado ng JASIG ang mga NDF negotiators na may kasong kriminal na pansamantalang pinalaya sa piitan.

 

Read more...