Ayon kay Alvarez, walang problema kung mawalan siya ng suporta mula sa mga kongresista o mapalitan siya bilang speaker.
Ang sa kanya lamang ay totohanin niya ang sinabing aalisin ang deputy speakers, committee chairmen at supermajority members na hindi kakatig sa death penalty.
Dagdag pa ni Alvarez, wala sa karakter niya ang nagbabanta at kapag sinabi niya ay gagawin niya.
Ayon naman kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, ‘sad day’ ang araw na ito para sa Kamara kung totoong bina-braso ni Alvarez ang mga mambabatas para lamang katigan ang panukalang parusang bitay.
Aniya pa, isang malaking pagkakamali ang taktika ni Alvarez na idaan sa pilitan ang pagkuha ng suporta sa Death Penalty bill.
Kaya naman napahirit ni Atienza sa mga taga-supermajority, maghanap na lang daw ng ibang speaker.
Sa kabila nito, ipinaalala ni Atienza kay Alvarez na mag-isa lamang itong PDP-LABAN nang mahalal sa 17th congress at nabuo ang super majority kahit walang matatag na adbokasiya kaya mistulang ‘supermajority for inconvenience.’
Sinegundahan ito ni Kabayan Partylist Rep. Harry Roque at sinabing sa hakbang ni Alvarez na arm twisting tactics ay itinataboy nito sa ‘yellow army’ ang mga kongresistang taga-mayorya.