Nahaharap sa dagdag na kasong administratibo ang mga police scalawags na hindi nagreport sa Kampo Crame nang ipatawag ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa para ihatid sa Malakanyang.
Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos, kabilang din sa sasampahan ng dagdag na reklamo yung mga nagreport sa Kampo Crame pero hindi na nagpakita sa Malakanyang nang iharap kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa aktwal na bilang sa presentasyon ng mga police scalawags kahapon sa Kampo Crame, umaabot sa 264 ang naitalang nagreport kay Dela Rosa.
Pero pagdating sa Malakanyang ay meron na lamang 228 na mga pulis na nakapagreport kay Duterte.
Sa kabuuan bilang ng NCRPO, mayroong 378 na mga pulis na nahaharap sa kaso na dapat na nagreport kahapon kay Dela Rosa, di pa kabilang ang 9 na pulis na nakakulong na dahil sa kinakaharap na kaso
Bagaman, excusable naman umano ang mga pulis na hindi nakapagreport kahapon dahil may dinaluhan na pagdinig o hearing at iba pang valid na dahilan.