Mahigit na 500 PDEA personnel, negatibo sa surprise drug test
By: Alvin Barcelona
- 8 years ago
Nagnegatibo sa droga ang lahat ng mga personnel ng Philippine Drug Enforcement Agency na sumailalim sa isinagawa nitong surprise drug test.
Ang drug test ay ginawa ng PDEA laboratory services na pinamumunuan ni Director Belen Banog sa 323 na lalake at 225 na miyembro ng PDEAsa national headquarters nito sa Quezon City pagkatapos ng flag raising ceremony nito noong Lunes.
Mismong si PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang nanguna sa pagbibigay ng urine samples mula sa hanay ng mga opisyal ng PDEA.
Kasama rin sa mga isinailalim sa drug test ang mga administrative/technical personnel at Drug Enforcement Officers (DEOs) ng ahensya.
Ayon kay Lapeña, dapat lamang na drug free sila at ipakita na mayroon silang moral ascendancy bilang pangunahing tagapagpatupad ng anti drug law.
Kaugnay nito, tiniyak ni Lapeña na ipagpaptuloy nila ang paglilinis sa kanilang hanay sa harap ng mga kumukuwestiyon sa kanilang kredibilidad at integridad.