Ayon kay Alvarez, ang mga deputy speaker at committee chairmen na hindi bobotong pabor sa panukala ay papalitan.
Ang mga mambabatas naman na bahagi ng supermajority ng kamara na hindi kakatig sa re-imposition ng parusang kamatayan ay aalisin na rin sa koalisyon.
Sinabi ni Alvarez na kung hindi lang din boboto pabor sa Death Penalty bill, ay mabuting magresign na lamang ang mga kasama sa supermajority.
Nakipagpulong si Alvarez sa mga kongresistang kaalyado sa PDP-Laban upang sabihin sa mga ito ang party stand sa panukala, at para sabihan silang suportahan ito.
Ngayong araw din ay mayroong caucus ang supermajority upang talakayin ang Death Penalty bill.
Tapos na ang Death Penalty bill sponsorship sa plenaryo, at inaabangan na lamang ang mainitang debate.