Posibleng magpatupad ang Manila Electric Company (MERALCO) ng dagdag-singil sa kuryente sa loob ng dalawang magkasunod na buwan.
Gayunman, hindi pa makukumpirma ng MERALCO kung magkano ang ipatutupad na dagdag-singil para sa buwan ng Pebrero at Marso, ngunit maaaring umabot ito sa hanggang P1.44 kada kilowatt-hour.
Ayon sa MERALCO ang power rate hike ngayong Pebrero ay dulot ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at paghina ng piso kontra dolyar.
Samantala, ang posibleng pagtaas ng presyo ng kuryente sa Marso ay dahil sa maintenance shutdown ng Malampaya gas facility.
Ang nasabing maintenance shutdown ay nagsimula noong January 28 na magtatagal hanggang February 18.
MOST READ
LATEST STORIES