Aabot sa halos dalawang libong punong kahoy na illegal na pinutol ang nasabat ng Department of Environment Natural Resources (DENR) sa limang araw na operasyon na isinagawa sa iba’t ibang lugar sa Agusan Del Sur.
Ayon kay DENR Sec. Gina Lopez, isinagawa ng kanilang Environmental Anti-Crime Task Force ang operasyon mula noong February 2 hanggang 6.
Ang mga nasabat na punong kahoy ay kinabibilangan ng mga Dipterocarps, Lanipao, Mahogany, Malapajo at iba pa.
Nakuha ang mga illegal cut logs sa Sitio Mantuyom at SItio Sote sa Makarlika, Bislig City; gayundin sa bayan ng Talacogon, at Trento sa Agusan Del Sur; at sa Trento.
Kaugnay nito, sinabi ni Lopez na inatasan na niya ang lahat ng regional directors ng DENR na tapusin ang illegal logging sa kani-kanilang nasasakupan.
Kung mabibigo ang mga ito na aksyunan ang illegal logging, sinabi ni Lopez na mahaharap sila sa administrative case o disciplinary actions.
“The rape of our forests stops NOW. I’m warning all DENR regional people who allowed this to happen – heads will roll!,” ani Lopez.