Sa kanilang depensa, iginiit ng mga abogado ng US Department of Justice “vastly overbroad” ang pagsuspinde ng isang federal judge sa executive order ni Trump.
Matatandaang sinuspinde ang nasabing kautusan noong Biyernes, at mula noon ay dinala na ito sa San Francisco kung saan dinipensahan ng mga abogado ng US Department of Justice ang desisyon ni Trump, bilang isang “lawful exercise” sa kaniyang kapangyarihan.
Tinawag rin ng kagawaran na “vastly overbroad” o masyadong malawak ang naturang nationwide injunction laban dito.
Sinubukan pang idulog sa appeals court ang pagpapa-reinstate ng nasabing ban, pero agad naman itong ibinasura.
Ayon pa sa mga abogado para sa Washington at Minnesota na kumokontra sa kautusan, magsasanhi lang ulit ng kaguluhan kung ibabalik ang pagpapatupad ng ban.
Ngunit giit ng judtice department, bilang pangulo, may karapatan si Trump na pigilin ang pagpasok ng mga dayuhan sa United States sa ngalan ng national security.
Itinakdang gawin ang pagdinig sa legalidad ng kautusang ito sa Martes, alas-3:00 ng hapon, oras sa San Francisco.