Lookout bulletin, inilabas para sa 20 NDFP consultants

 

Mula sa inquirer.net

Inilabas na ng Department of Justice (DOJ) ang isang immigration lookout bulletin (ILBO) laban sa 20 consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ibinigay ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang nasabing memorandum order kina Immigration Chief Jaime Morente at Prosecutor General Victor Sepulveda matapos kanselahin ng pamahalaan ang Joint Agreement on Security and Immunity Guarantee (JASIG).

Nakasaad sa ILBO ang pangalan ng mga sumusunod na consultants:

1. Tirso Lagoras Alcantara
2. Ma. Concepcion Araneta Bocala
3. Pedro Heyrona Codaste
4. Renante Macatangay Gamara
5. Alan Valera Jazmines
6. Ernesto Epino Lorenzo
7. Ma. Loida Tuzo Magpatoc
8. Alfredo Amparo Mapano
9. Ruben Abenir Saluta
10. Adelberto Albayulde Silva
11. Benito Enriquez Tiamzon
12. Wilma Austria Tiamzon
13. Ariel Mancao Arbitrario
14. Renato Maranga Baleros Sr.
15. Kennedy Lao-ing Bangibang
16. Jaime Servillano Doria Soledad
17. Rafael Baylosis
18. Alex Birondo
19. Winona Birondo
20. Porferio Dianco Tuna

Inatasan ni Aguirre sina Morente at Sepulveda na makipag-ugnayan kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran para sa mga impormasyon tungkol sa mga nakalista dito.

Kabilang sa mga impormasyong ito ay ang mga kilalang aliases ng mga naturang consultants, petsa at lugar ng kapanganakan, kopya ng kanilang passport at pinakahuling litrato ng mga ito.

Inatasan rin niya ang NBI at Office of the Prosecutor na magbigay ng contact numbers na maaring matawagan kahit tapos na ang office hours sakaling isa sa mga consultants ng NDFP ay magtangkang umalis ng bansa.

Maari pa namang makalabas ng bansa ang isang taong nasa ILBO, ngunit kakailanganin muna niya ng clearance mula sa DOJ.

Read more...