Nagpadala na ang Department of Energy (DOE) ng kanilang mga tauhan sa Sual power station sa Pangasinan para siyasatin ang restoration ng mga generating units nito na nag-offline dahil sa unscheduled shutdown noong Lunes.
May kabuuang kapasidad ang Sual na 1,294 megawatts ang Sual na pinakamalaking coal-fired power plant sa bansa.
Nangalahati bigla ang output ng Sual noong Lunes, February 6, 2017, at sinalo na lamang ng Malampaya power station ang supply ng kuryente para sa Luzon grid para maiwasan ang kawalan ng kuryente.
Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, pinaparamdam nila sa Team Sual na inoobserbahan sila ng kanilang kagawaran pati na rin ang iba pang power plants.
Nag-online ang Sual Unit 2 dakong 5:21 ng madaling araw, habang ang Sual Unit 1 naman ay nag-offline ganap na 10:15 ng umaga ng Lunes.
Leak sa condenser tube naman ang tinitingnang dahilan ng biglaang shutdown.