800 PCOS machines na ginamit noong 2010 at 2013 elections, sira-COMELEC

pcos-machineHindi bababa sa 800 units ng precinct count optical scan (PCOS) machines na ginamit noong 2010 at 2013 elections ang napag-alamang depektibo.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) chairman Andres Bautista na 8,000 sa 80,000 na mga makina ang isinailalim sa testing, at 800 sa mga ito ay may mga sirang piyesa na dapat palitan.

Aniya, nakikipagtulugan na sila sa Department of Science and Technology (DOST) para ma-validate ito.

Inaasahan naman aniya na matatapos sa Marso ang diagnostics sa 81,896 PCOS na machines.

Matatandaang naglaan ang COMELEC en banc ng pondo na P10.6 million para sa diagnostics ng mga nasabing voting machines.

Oras na matapos ang diagnostics, ipipresenta ng COMELEC ang mga resulta sa COMELEC advisory council para sa magiging halaga ng refurbishing ng mga makina.

Ang CAC rin ang magrerekomenda ng pinaka-akmang teknolohiyang gagamitin para sa refurbishment.

Iginiit ni Bautista na dapat ma-upgrade ang mga PCOS machines, lalo na ang kakayanan nitong magbigay ng voters’ receipts.

Read more...