5 Abu Sayyaf, napatay sa encounter sa Sulu

 

Limang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang nasawi sa pakikipag-sagupaan sa puwersa ng militar sa Sulu.

Ayon kay AFP Public Information Office chief Col. Edgard Arevalo, nagkasagupa ang tropa ng militar at grupo ng ASG sa sitio Talok-talok, bayan ng Omar, Capual island Martes ng umaga.

Bukod sa limang nasawi isa pa sa mga bandido ang naaresto sa sagupaan.

Sinasabing mga kasapi ng grupo ni Alhabsy Misaya ang mga nakaengwentro ng mga sundalo sa naturang lugar.

Nagpapatuloy naman ang naval blockade ng AFP sa paligid ng isla upang maharang iba pang mga tumatakas na bandido.

Read more...