Mga tahanan sa bahagi ng Parola Compound Tondo, nasusunog

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Tinutupok ngayon ng malaking sunog ang mga tahanan ng mga residente sa Parola Compound, Tondo Maynila.

Nagsimula ang naturang sunog dakong alas-9:00 ng gabi, at mabilis na kumalat sa mga kabahayan dahil sa gawa sa light materials ang mga ito.

Agad itong itinaas asa Task Force Alpha upang agad na makaresponde ang mas maraming fire trucks.

Mag-aalas dose ng hatinggabi, itinaas na rin ito sa Task Force Delta.

Nagpapatuloy ang pagsusumikap ng mga kagawad ng pamatay sunog na apulain ang sunog.

Read more...