3 miyembro ng robbery-holdup gang, patay sa Makati

 

Kuha ni Jay Dones

Patay ang umano’y lider ng isang notoryus na robbery-holdup group at dalawa pa nitong kasamahan sa operasyon ng Makati City police at Southern Police District kaninang hatinggabi.

Nakilala ang nasawing suspek na si Yuki Rivera Escover, na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan at dalawang hindi pa nakilalang suspek.

Ayon kay Police Chief Supt. Tomas Apolinario, hepe ng Southern Police District Command, sangkot umano ang mga suspek sa serye ng panghoholdap sa sa Pasay, Makati at Manila area.

Sangkot rin ang grupo sa panghoholdap sa isang massage spa kamakalawa di kalayuan sa pinangyarihan ng encounter.

Dahil dito, nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Makati police makaraang makatanggap ng impormasyon na muling nangholdap ang grupo sa Buendia area kagabi lamang.

Na-timingan umano ng mga otoridad ang mga suspek na lulan ng isang motorsiklo sa kanto ng Chino Roces ay P. Ocampo extension kaya’t nagkaroon ng palitan ng putok sa magkabilang panig.

Dito na tinamaan ng bala ang tatlo na bagamat nadala pa sa ospital ay tuluyan na ring binawian ng buhay.

Read more...