Middleman ni Jack Lam handa ibunyag ang nalalaman sa Senado

 

Inquirer file photo

Nagpapasaklolo na sa senado si retired police Sr. Supt. Wally Sombero kaugnay sa Immigration Bureau bribery scandal.

Nabatid na sumulat na si Sombero sa senado sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Ted Contacto at nagpasabi na handa na siyang humarap sa pagdinig.

Sinabi pa ni Wally Sombero na sinasabing nagtangkang magpatulong kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para kay Jack Lam, isisiwalat niya ang buong katotohanan ukol sa milyun-milyong pisong suhulan.

Binanggit din nito na marami nang nagbabanta sa kanyang buhay.

Nauna nang nagsampa si Sombero ng mga kaso laban kina dating immigration associate Commissioners Al Argosino at Mike Robles at isinuko na rin ang ang 2 milyong pisong parte niya sa P50 milyon na suhol.

Read more...