Pinagbibitiw na ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin si Justice Secretary Vitaliano Aguirre dahil sa hindi pagtupad sa kanyang mga tungkulin.
Sinabi ni Villarin hindi na dapat na manatili sa pwesto kung ang isang kalihim ng Department of Justice na hindi nakakapagbigay ng hustisya.
Pasaring ng kongresista, all-out o panay paglaban kay Senadora Leila de Lima ang inaatupag ni Aguirre.
Pero kapag mga ‘Brod’ nito ang nasasangkot sa kontrobersiya gaya ng dalawang deputy commissioners sa Bureau of Immigration ay walang direksiyon ang imbestigasyon.
Wala rin daw ginawa si Aguirre para sa sinuman sa pitong libong drug suspects na napatay sa kasagsagan ng war against drugs ng Duterte administration.
MOST READ
LATEST STORIES