Tinutulan ng mga kongresistang miyembro ng Magnificent 7 ang pagdedeklara ng all-out war ng Duterte administration laban sa rebeldeng komunista.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na ang all-out war laban sa NPA ay hindi lamang magpapa-walang saysay sa peace process kundi magpapa-lapit sa bansa sa posibilidad na maipasailalim sa Martial Law.
Babala ni Lagman, maaaring gamitin ang mga insidente ng pag-atake ng rebelde para magkaroon ng basehan na pairalin muli ang batas militar.
Para naman kay Northern Samar Rep. Raul Daza, kung magkakaroon ng all-out war, tiyak may body counts na naman.
Matutulad lamang aniya ito sa war on drugs kung saan araw-araw ang nagbibilang ng bangkay.
Sa panig ni Akbayan PL Rep. Tom Villarin, huwag daw ‘the dog tactic’ ang pagdedeklara ng all-out war laban sa NPA.
Sa kasalukuyan aniya ay bigo ang gobyerno sa war against drugs, tapos may balak pa ngayong giyerahin na lamang ang mga rebelde para mailipat ang atensiyon ng publiko.
Dagdag ni Villarin, ang all-out war ay hindi magbebenepisyo sa sambayanang Pilipino.
Nakikiusap naman si Ifugao Rep. Teddy Baguilat na irekunsidera ang deklarasyon ng gobyerno at CPP-NPA-NDF na pagkansela sa peace talks.