Sa impormasyon na nakarating sa Camp Aguinaldo, nakasagupa ng mga sundalo ng 61st Infantry Batallion ng Philippine Army ang mga rebelde sa pamumuno ni Kumander Pigoy sa Barangay Tacayan, Tapaz lalawigan ng Capiz.
Hindi naman matiyak kung may nasawi o nasugatan sa panig ng mga rebelde.
Kanina ay sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na nagdeklara na ng all-out war ang pamahalaan laban sa mga armadong communist guerilla.
Ito ay bilang tugon na rin sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama na ang pag-aresto sa mga lider ng NPA.
MOST READ
LATEST STORIES