Mga tinaguring “police scalawags” ng NCRPO may tampo sa pangulo

NCRPO-Basilan
Photo: Angellic Jordan

Masama umano ang loob ng mga pulis na kabilang sa mga paglilinisin ng water lily sa Pasig River sa Malacañang.

Pero ayon kay Southern Police District Director C/Supt. Tomas Apolinario, walang magagawa ang mga pulis na kabilang sa listahan dahil bahagi ito ng isinasagawang internal cleansing ng pamunuan ng PNP.

Sa kabuuang 387, umaabot sa 87 mga pulis ang nasa listahan ng mga pasaway at mga scalawags na sangkot sa iba’t ibang kaso pero 64 lamang ang nagreport kanina sa Camp Crame mula sa SPD.

Sa pinakahuling bilang, umaabot sa 31 na pulis mula EPD, 84 sa MPD, 43 mula sa QCPD habang aabot sa 42 lang ang nagreport mula sa NPD.

Paliwanag ni Apolinario, mabuti na rin na magsagawa ng internal cleansing para umano mapasunod ang mga pasaway na pulis at malinis ang kanilang hanay ng mga tiwali.

Personal na inihatid sa Malacañang ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang nasabing mga pulis kasama si NCRPO Director Oscar Albayalde.

At tulad ng inaasahan ay nakatikim ng mura at sermon mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing mga pulis pagdating nila sa Malacañang

Read more...