Giit ni Roque, malinaw na nilabag ng NPA ang international humanitarian law o IHL dahil sa mga kinasangkutan nilang karahasan.
Sinabi ng mambabatas na uubra namang magsampa ng kaso laban sa NPA sa lokal na korte, pero mas mainam kung sa ICC dahil mas neutral ito.
Sakop aniya ng international humanitarian law ang lahat ng combatant groups sa bansa, organisasyon man ng pamahalaan o hindi.
Ang NPA ay sakop din aniya ng IHL dahil akma sa treshold ng organizational requirements ng armadong grupo.
Sinabi ni Roque na kabilang dito ang pagkakaroon ng command structure, military at logistical capacity, internal disciplinary system at kakayahang ipatupad ang IHL maging ang paninindigan bilang isang organisasyon.