Presidential Security Group, sinita ang pitong kagawad ng media.

Chona New Executive Building sa Malakanyang
Kuha ni Chona Yu

Pitong kagawad ng media ang sinita ng Presidential Security Group.

Ito ay matapos magsisigaw ang pitong kagawad ng media habang nagcocover sa Grupong Selda na sumugod sa New Executive Building (NEB) sa Malakanyang.

Ayon kay PSG Spokesperson Lt. Col. Michael Aquino may appointment ang Selda sa Presidential Management Staff.

Maghahatid sana aniya ang Grupong Selda ng liham para sa Pangulong Rodrigo Duterte
upang hilinhin na ituloy ang peace talks sa komunistang grupo.

Gayunman nang papasukin sa NEB ang mga kinatawan ng Grupong Selda, bigla umanong nagsisigaw ang mga kagawad ng media na nagcocover.

Dahil dio sinita na sila ng mga tauhan ng PSG.

Ayon kay Aquino, hindi mga miyembro ng Malacanang Press Corps ang mga sinitang kagawad ng media. Mistulang gustong magpasikat ng pitong kagawad ng media.

Agad naman aniyang pinakawalan ng PSG ang pitong kagawad ng media matapos pagsabihan na bawal ang magsisigaw sa Malacanang Compound.

Read more...