Grupo ng mga kabataan, nagsagawa ng kilos-protesta sa Mendiola kaugnay sa nahintong peace talks ng gobyerno at CPP NPA NDF

GRUPO NG MGA KABATAAN RALLY SA MENDION ON PEACE TALKS (2)
Kuha ni Angellic Jordan

“Kapayapaan, ipaglaban.” “Oplan kapayapaan ibasura” “Political prisoners, palayain”

Tinuligsa ng grupong Anakbayan-Metro Manila ang desisyong pag-aatras ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usaping-pangkapayapaan sa komunistang grupong National Democratic Front of the Philippines at Government of the Republic of the Philippines.

Kaugnay ito sa hindi pag-apruba ni Duterte ang kondisyong inalok ng makakaliwang grupo na pagpapalaya sa 434 political prisoners kapalit ang pag-apruba sa usapin.

Kuha ni Angellic Jordan

Kasunod pa nito, pinakukulong rin ni Duterte ang mga NDFP peace consultant.

Ayon kay Charles Jimenez, chairperson ng Anakbayan ng University of the Philippines Manila, nais iparating ng grupo ang pagtutuloy ng peace talks para tuluyang maabot ang kapayapaan sa bansa.

Para naman kay Christian Advincula, chairperson Anakbayan Metro Manila, lumalabas lang aniya na hindi seryoso si Duterte sa nasabing usapin.

Paliwanag pa nito, hindi hahayaan ng grupong matuloy ang naging desisyon ng pangulo.

Hinihikayat rin ng grupo ang mamamayang Pilipino na makiisa sa pagpapaigting ng patuloy na pagtutol para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan sa bansa.

Read more...