Sa talumpati ng pangulo sa 2017 tax campaign ng Bureau of Internal Revenue (BIR), tiniyak nito na magagamit sa tama ang makokolektang buwis.
Ayon sa Pangulong Duterte, makakaasa ang mga taxpayers na walang korupsyon sa taas at patunay dito ang walang kontratang dumadaan sa kanyang opisina para sa kanyang review.
Kasabay nito, nilinaw ni Pangulong Duterte na kuwento o biro lang ang kanyang pagbabantang papatayin nito ang mga hindi nagbabayad ng buwis.
Kaya huwag daw matakot ang mga negosyante dahil hindi naman sila durugista o mga kriminal.
Maliban na lamang daw sa mga police scalawags na hindi na kailangang isailalim sa re-training, bagkus kanyang paglilinisin sa Pasig River na punung-puno ng mga water lilies.