Publiko hinimok ng SSS na makipagtulungan para sa ikadarakip ng Celebrity Doctor na si Joel Mendez

Photos via Jun Corona and Ricky Brozas
Photos via Jun Corona and Ricky Brozas

Humingi na ng tulong sa publiko si SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc para sa agarang ikadarakip nila Dr. Joel Mendez at Peter Nicholas Toundjis II.

Ayon kay SSS President Emmanuel Dooc dapat umanong harapin nina Mendez at Toundjis ang kanilang pananagutan sa batas.

Ito ay babala na rin ng SSS na determinado sila at hindi titigil ang sa paghahabol sa mga abusadong employer na lumalabag sa batas sa kapinsalaan ng mga manggagawang miyembro ng SSS.

Sinabi rin ni Dooc na ipagpapatuloy ng SSS ang pagtugis sa mga delingkwenteng employer at regular na paghahain ng warrants of arrest kasama ang PNP.

Read more...